NI: Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Isang umano’y dating miyembro ng New People’s Army (NPA), na sumuko sa pamahalaan at operatiba na ngayon ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU), ang niratrat sa harap ng kanyang nasindak na pamilya sa Purok 4, Sitio Iyao sa Barangay Anticala, Butuan City.

Ayon sa paunang report ng Ampayon Police, nagtamo ng siyam na tama ng bala ng hinihinalang .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Saturnino D. Lumacang, 59, miyembro ng CAFGU.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Barangay Ampayon Police, nanonood ng telebisyon si Lumacang kasama ang ilang kaanak nang tatlong hindi nakilalang armado ang pumasok sa kanyang bahay bandang 7:00 ng gabi nitong Linggo at pinagbabaril siya.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?