Ni: Bella Gamotea

Timbuwang ang anak ng barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Makati City, kahapon ng umaga.

Dead on the spot si Joven Duallo, 36, driver ng Makati City Public Safety Department, at nakatira sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City, dahil sa dalawang tama ng bala ng caliber .45 sa ulo.

Inilarawan naman ang mga suspek na kapwa nakasuot ng puting T-shirt at magkaangkas sa motorsiklong walang plaka.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa inisyal na ulat ni Sr. Supt. Gerry Umayao, hepe ng Makati City Police, naganap ang pamamaril sa Magallanes, sa ilalim ng Osmeña Highway, Bgy. Bangkal, bandang 8:30 ng umaga.

Nagsasagawa ng anti-smoke belching operation ang grupo ng biktima nang sumulpot ang dalawang armadong lalaki.

Tiningnan pa umano ng mga suspek ang identification (ID) card ng biktima upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan nito, bago binaril ng dalawang beses sa ulo.

Napag-alaman na si Joven ay anak ni Jimmy Duallo, chairman ng Bgy. Pio Del Pilar, na mahigpit sa pagpapatupad ng anti-illegal drug campaign.

Patuloy ang masusing imbestigasyon.