Ni: Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija – Tatlong lalaking sangkot umano sa pagtutulak ng droga ang nasawi sa magkahiwalay na engkuwentro sa Nueva Ecija, kamakailan.

Ayon sa ulat, nakilala ang mga napaslang na sina Danilo De Lara Daluz, alyas “Dan”; Albert Padua Curod, kapwa mula sa Cabanatuan City; at Teodolfo San Pedro, Jr., ng Barangay San Roque, Gapan City.

Napatay sina Daluz at Curod dahil nanlaban matapos umanong makatunog na mga pulis ang kanilang katransaksiyon, at nasamsaman ng .22 caliber at .38 caliber na mga baril, tatlong pakete ng hinihinalang shabu, at P1,000 marked money sa engkuwentro sa Bgy. San Miguel Na Munti, Talavera.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Sa buy-bust naman sa Gapan City napatay si San Pedro, ayon kay Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan City Police.