Ni: Rizaldy Comanda

BAGUIO CITY – Nagpapatuloy ang search and rescue operation sa paghahanap sa isa sa pitong tour guide na na-trap sa loob ng kuweba sa Sagada, Mountain Province nitong Linggo.

Sa text message ni Municipal Tourism Officer Robert Pang-od, ikinasa ng iba’t ibang rescue team ang search operation para kay Roderick Malecdan, na naiwan nitong Linggo ng hapon sa loob ng Victoria Cave, matapos na biglaang umapaw ang tubig sa loob nito.

Sa report ng Sagada Municipal Police, pitong tour guide ang pumasok sa kuweba sa Sitio Maduto sa Barangay Angkeling, pero biglang rumagasa ang tubig at na-trap ang mga biktima.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Apat sa kanila ang kaagad na nakalabas sa kuweba, samantalang ang dalawa pa ay na-rescue ng mga awtoridad bandang 6:45 ng gabi.