Ni: Rizaldy Comanda

ITOGON, Benguet - Patay ang isang ama matapos siyang tarakan sa dibdib ng sariling anak nang ipagtanggol nito ang ina sa masamang sinabi ng biktima habang nag-iinuman sila sa bunker house sa loob ng minahan sa Acupan, Virac, Itogon, Benguet, nitong Linggo.

Kinilala ng Itogon Municipal Police ang biktimang si Manuel Dallagan Basoyang, 51, may asawa, minero, tubong Barangay San Juan, Tabuk City, Kalinga.

Kaagad namang nadakip ang anak niyang si Mark Anthony Banggawan Basoyang, 21, minero, na nahaharap sa kasong parricide.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Batay sa imbestigasyon, nag-iinuman ang mag-ama, kasama si Eleazar Puyao, nang biglang sabihin ni Manuel sa anak, “Adda kabit ni Inam idiay Tabuk (May kabit ang ina mo sa Tabuk)”.

Labis umanong ikinagalit ng suspek ang sinabi ng ama, umalis ito at pagbalik ay may hawak nang patalim at walang sabi-sabing sinaksak ang ama sa kaliwang dibdib.

Sumaklolo ang isa pang anak na si Melchor, at dinala ang ama sa Baguio General Hospital, pero dead on arrival ito.