SINGAPORE -- Sinopresa ng Philippines girls basketball team ang defending champion Thailand, 77-75, nitong Lunes sa 9th ASEAN Schools Games sa Tampines Sports Hub dito.

Napigilan ni Kristine C. Cayabyab ang pagtatangka ng Thai na maipuwersa ang overtime sa krusyal na depensa sa pagtatapos ng laro. Kumubra rin si Cayabyab ng 10 puntos.

Malaking bagay sa panalo ng Team Philippines ang pagka-foul out ni Thai sharpshooting center Thunchanok Lumdappang sa final period. Ang pagkawala ni Lumdappang, miyembro ng Thai Team sa FIBA Asia Under-16 Championship for Women, naibsan ang offensive threat para sa Pinay.

Nanguna si karl Ann Pingol sa naiskor na 14 puntos, habang nagpamalas nang kahusayan sina guards Caila Galamiton at Gypsy Mae Canuto para buwagin ang bawat full court press ng Thailand.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nakabawi naman ang Thailand sa Philippine boys team, 64-53.