Ni Ernest Hernandez
KUNG may dapat abangan sa PBA Governor’s Cup, kabilang na si Mark “Ant-man” Cruz.
Kumpiyansa si Cruz na makapagbibigay nang mas mataas na level ng laro para sa Blackwater Elite para sa darating na conference sa premyadong pro league.
Naitala niya ang averaged 6.8 points, 3 assists at isang steal sa kada 23 minutong paglalaro sa Elite.
“Sarap sa feeling,” sambit ng dating Letran Knight, patungkol sa matikas na kampanya sa nakalipas na Commissioners Cup.
“Mas nailalabas ko ang laro ko at mga kaya kong pakita at maitulong sa team. Syempre pasalamat ako kay Coach Leo (Isaac) at sa management na magawa ko ang kaya kong magawa.”
Matapos makuha ng Star Hotshots sa draft, ibinaba si Cruz sa PBA D-League na aniya’y ‘blessine in disguise’ dahil mas nahasa ang kanyang talento.
“Kailangan mag-work harder pa ako. Hindi ako kailangan makuntento kung ano meron ako,” aniya. “Kailangan everyday mag-extra shooting, extra workout, lahat kailangan talaga dahil ang kompetisyon sa PBA sobrang hard.”
Kada taon, may mga bagong talento sa rookie drafting at aminado si Cruz na mabigat ang laban para manatiling aktibo sa PBA.
“Maraming dumadating na bago kaya kailangan maging consistent ka,” sambit ni Cruz. “Yun ang mga natutunan ko sa mga beterano kong kasama na sina James Yap at PJ Simon.”
Makakatuwang niya sa layuning makatikim ng kampeonato ang import na si Travis Simpson.
“Mas aangat ko ang makokontribute ko sa team and hopefully mga end games na pwede maipanalo as a team. I feel na mas maganda run naming ng Blackwater this conference.”