Ni: Light A. Nolasco
CABANATUAN CITY - Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Public Safety Company (PPSC) at Isabela Municipal Police ang isang mag-asawang wanted sa kasong robbery at homicide sa ikinasang manhunt operation sa Barangay 3 sa San Mateo, Isabela.
Ayon kay Supt. Alexander Aurelio, OIC ng PPSC, maagap silang nakipag-ugnayan sa Isabela Police Provincial Office para arestuhin sina Marcelo Villafuerte at Jasmin Villafuerte, na umano’y nagtatago sa batas sapul pa noong Abril 27, 2017.
Bitbit ng mga operatiba ang arrest warrant mula sa korte sa Gapan City at walang inirekomendang piyansa para sa pangsamantalang paglaya ng mga ito.
Dakong 5:00 ng umaga nitong Biyernes nang makorner ang mga suspek sa Bgy. 3 sa San Mateo.