Ni: Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Patay ang isang lalaki matapos umanong mabundol ng bus habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Batangas City.

Namatay habang ginagamot sa St. Camillus De Lellis Hospital si Rico Arguelles, 42, may asawa, ng Barangay Banaba East, Batangas City.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 1:13 ng hapon nitong Sabado, naglalakad si Arguelles sa Diversion Road sa Bgy. Alangilan nang mabundol siya ng Hyundai Bus na walang plaka.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober umano ng mga awtoridad ang abandonadong bus sa Bgy. Concepcion habang pinaghahanap pa ang driver.