Ni: Leandro Alborote

CAMILING, Tarlac - Inoobserbahan ngayon sa ospital ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng maskaradong lalaki na sakay sa motorsiklo, sa Sitio Ribba, Barangay Pao 2nd, Camiling, Tarlac, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO3 Mario Simon, Jr. ang biktimang si Michael Tolentino, 62, chairman ng Bgy. Poblacion F sa Camiling, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba't ibang parte ng katawan.

Napag-alaman na galing ang chairman sa kanyang bodega at sakay ng kanyang Yamaha Mio Sporty (TV- 8947) patungo sa bukid nang nakasalubong niya ang suspek, na lulan sa Yamaha Mio Soul na walang plaka, at ilang beses siyang pinagbabaril.

Hindi pa matiyak ang lagay ni Tolentino habang isinusulat ang balitang ito.

Probinsya

Babaeng nagtago ng shabu sa maselang bahagi ng katawan para maipuslit sa kulungan, timbog!