Ni NITZ MIRALLES

NASA harap ng kanyang laptop si Regine Velasquez nang maabutan namin sa taping ng Mulawin vs Ravena. Pinakikinggan niya ang songs na nai-record na niya para sa kanyang bagong album at nag-request kaming mapakinggan ang Usahay, ang Visayan song na isa sa mga kasama. Hayun, nakinig muna kami bago namin interbyuhin si Songbird.

Umaasa si Regine na maire-release ang album bago sumapit ang kanyang R3.0 concert sa October 21. Nahahati sa tatlong albums ang ire-release na bagong record ni Regine, 10-track each album, kaya kailangang bilhin ang three albums para kumpleto ang collection ng kanyang followers.

REGINE copy copy

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Bukod sa album, inaasikaso na rin ni Regine ang kanyang concert na ngayong linggo ay repertoire na ang pag-uusapan ng production. As of last week, wala pa silang maisip ng Viva Live na magiging guest sa kanyang concert.

Busy ang schedule ni Regine dahil nagti-taping din siya ng Mulawin vs Ravena na gumaganap siya sa karakter ni Sandawa, ang diyosa ng kalikasan. Siya ang ina nina Dakila (ginampanan ni Eddie Gutierrez sa unang Mulawin), Lumban at Magindara (Lovi Poe). Laging may conflict sina Sandawa at Magindara, ano ang isyu nila?

“Isa sa away ng mag-ina si Siklab (Dion Ignacio) dahil Ravena siya at ‘pag na-in love ang mga gaya namin, isusuko namin ang pagiging immortal. Hindi pasaway si Magindara, gusto lang niyang maging happy, eh, ayaw ko as Sandawa na magka-love life siya, kaya may conflict sa amin. First time to work with Lovi, masaya dahil marami kaming napag-uusapan.”

Hindi ba siya nahihirapan sa schedule dahil may taping, may ginagawang album at may concert pang inaasikaso?

“Madali lang ang taping ng Mulawin vs Ravena kahit nasa location kami. Enjoy ako sa role at karakter ko, gusto ko ang costume ko, magaan siya kumpara sa ibang cast, magrereklamo pa ba ako? Hirap lang sa schedule sa rami ng artista, pero okay lang naman.”

Maganda ang interbyuhan namin ni Regine dahil nagkuwento siya tungkol sa highlight ng pagiging concert performer niya at ang insecurities noong mawalan siya ng boses sa 2012 Silver concert.

“I consider R2K concert the highlight of my 30 years career. Sold out ang two nights concert. Ang feeling ko grown up na ako, and as an artist I paid my dues. I was respected as an artist.”

“Oo naman, nai-insecure ako at normal sa tao ‘yun. Insecure ako of getting older, insecure sa age, insecure of my voice at insecure because I find it harder to sing. But my insecurity is more for myself, hindi sa ibang tao. It’s harder to move, ha-ha-ha!”

“It humbled me bigtime noong time na mawalan ako ng boses sa Silver concert. I was on stage, walang lumabas na boses.

What was incredible was the audiece stay, walang umalis, walang nag-boo. Sila ang kumanta ng songs ko. Big realization sa akin ‘yun dahil nakalimot din akong magdasal. Parang inisip ko, kaya ko. Parang nagyabang ako na ipakita sa tao na kaya ko, eh, hindi ko pala kaya. It really, really humbled me,” pagtatapos ni Regine.