NI: Roy C. Mabasa

Magsasagawa ng pagdinig ang Tom Lantos Human Rights Commission ng United States House of Representatives sa iba’t ibang paglabag sa mga karapatang pantao sa buong mundo, kabilang na ang mga paglabag na nagawa sa Pilipinas sa Huwebes (oras sa Washington).

Ayon sa US Filipinos for Good Governance, isang Virginia-based advocacy group, hiniling ng Commission kay In Defense of Human Rights and Dignity Movement of the Philippines (I-Defend) spokesperson Ellecer Carlos na tumestigo at tumulong sa pagbibigay ng malinaw na larawan at ebidensiya sa kung ano ang talagang nangyayari sa Pilipinas.

Inimbitahan ding tumestigo sa pagdinig ng US Congress ang mga kinatawan ng Amnesty International at Human Rights Watch.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Inaasahang ipipiresinta ni Carlos at ng mga kapwa advocates ang mga dokumento ng extrajudicial killings at mga testimonya at magbibigay ng mga rekomendasyon sa Commission.