Ni: Nora Calderon 

TULUY-TULOY ang GMA Network sa pagbibigay ng quality entertainment sa kanilang loyal viewers kaya may mga bago silang inihahandang world-class projects na malapit na nilang ilunsad.

Jen & Gil copy

Isa rito ang My Korean Jagiya na tungkol sa Filipina fan ng isang Korean actor dahil nga sa pag-usbong ng mga Korean drama lately. Sa totoong buhay, mayroong mga artista natin na nahu-hook sa mga K-drama at talagang pumupunta sila ng South Korea para makita lamang nang personal ang paborito nilang Korean actors.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kaya kasalukuyan nang nagti-taping si Heart Evangelista sa Gangnam District ng South Korea under Direk Mark Reyes at makakatambal niya ang isang Korean actor na malapit nang ipakilala. 

Nagti-taping na rin si Marian Rivera ng bago niyang teleseryeng Super Ma’am na ang kuwento ay tungkol naman sa isang teacher na may kakaibang powers na gagamitin niya para mapatino at mapagbago ang buhay ng kanyang mga pasaway na estudyante.

Nagpapasalamat ang Kapuso Network sa mainit na pagtanggap ng televiewers sa pinakabagong umeereng afternoon prime nilang Haplos na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Rocco Nacino kasama sina Thea Tolentino at Pancho Magno.

Ang iba pang aabangan ay ang pagbabalik ng musical reality competition na Lip Sync Battle Philippines at ang Stories for The Soul ni Senator Manny Pacquiao. Inaabangan na rin ang matagal nang hinihintay na pagbabalik ni Dingdong Dantes bilang si Alyas Robin Hood sa book two.

Gabi-gabi ring sinusubaybayan ng Kapuso viewers ang lalong gumaganda at kapana-panabik na Pinoy adaptation ng koreanovelang My Love From The Star na pinagtatambalan nina Gil Cuerva bilang si Matteo Domingo at Jennylyn Mercado bilang si Steffi Chavez. Hinihintay na ng mga nahu-hook sa seryeng ito ang mga ipakikitang powers ni Matteo para mailigtas si Steffi laban kay Jackson (Gabby Eigenmann).