Ni: Yahoo Celebrity

HINDI lang sa mga pelikula good guy si Daniel Radcliffe.

Agad niyang sinaklolohan ang isang turista na ninakawan ng dalawang kawatan.

Naglalakad ang biktima sa Hortensia Road sa London nitong Hulyo 14 ng gabi, nang hablutin ng dalawang magnanakaw ang Louis Vuitton bag nito at hiniwa ang mukha. Nasaksihan ito ng dating pulis na si David Videcette na sinubukang humabol sa snatcher ngunit hindi na inabutan ang mga ito.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Actor Daniel Radcliffe attends a screening of Swiss Army Man and Imperium at the opening night gala of Empire Live at The O2, London.
Actor Daniel Radcliffe attends a screening of Swiss Army Man and Imperium at the opening night gala of Empire Live at The O2, London.

Nang balikan ng dating pulis ang pinangyarihan ay nadatnan nitong tinutulungan ni Daniel ang biktima.

“It was a bit of (a) surreal moment,” aniya, at nagwikang, “‘You’re Daniel Radcliffe,’ at sumagot si Radcliffe ng, ‘I am’.”

Pinasalamatan ni Videcette si Radcliffe at sinabing, “He was a really nice bloke. A lot of stars wouldn’t have stopped to help. The victim was very, very shaken up.”

Hindi ito ang unang pagkakasangkot ng isang celebrity sa delikadong sitwasyon. Matatandaan na noong Abril, hinabol naman ni Tom Hardy at naabutan ang isang kawatan na nagnakaw sa London.

Naging bayani rin si Patrick Dempsey nang hilain ang isang binata mula sa naaksidenteng kotse sa tapat ng kanyang bahay sa Malibu, Califronia. Iniulat na gumamit si Dempsey ng crowbar upang mabuksan ang pintuan ng sasakyan at maisalba ang teenager.