Ni: Marivic Awitan

HATAW si Dell Palomata sa krusyal na sandali para sandigan ang Hair Fairy-Air Force sa paggapi sa BaliPure , 23-25, 25-21, 25-19, 18-25, 15-11, nitong Linggo sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Kumana ang 6-3 hitter mula sa De La Salle-Bacolod matapos hugutin sa bench upang tulungang iangat ang Lady Jet Spikers kasalo ng Lady Warriors papasok sa kalagitnaan ng single round elimination ng mid-season conference na inorganisa ng Sports Vision.

Pinalitan ni Palomata ang starter na si Mae Antipuesto sa huling bahagi ng second set kung saan tinulungan nya ang Lady Jet Spikers sa pagtatala ng back-to-back set wins matapos mabigo sa opening frame.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi nakalaro noong nakaraang Reinforced Conference dahil pumailalim sa basic military training sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas, pinangunahan din ni Palomata ang net defense ng Air Force sa itinala nyang apat na blocks.

“She made a big impact for us in both our attacks and defense and I’m happy she delivered,” ani Air Force coach Jasper Jimenez.

Nagtapos na leading scorers sina Jocemar Tapic na may 17 puntos, Iari Yongco na may 16 at Mary Ann Pantino na may 12 and 12 hits ngunit si Palomata ang nagdeliver sa dakong Juli.

Nanguna naman sa Balipure na bumaba sa patas na barahang 2-2 , sina Grethcel Soltones, Aiko Urdas at Jerilli Malabanan na may tig-17 puntos.