Ni: Liezle Basa Iñigo

URDANETA CITY, Pangasinan – Nasawi ang isang estudyante nang paputukan ng isang lalaki na bumaba sa kotse sa Zone 1, Barangay Cayambanan sa Urdaneta City, Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Salman Madale,18, estudyante ng alternative learning system (ALS), at residente ng Bgy. San Vicente, Urdaneta City.

Ayon sa report, nasa harapan si Madale ng isang tindahan at bumibili ng sigarilyo nang dumating ang salarin, bumaba sa kotse at ilang beses na binaril ang biktima nitong Sabado.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van