ISTANBUL (AFP) – Nasorpresa ang mga mobile phone user sa Turkey nang marinig ang boses ni President Recep Tayyip Erdogan sa pagtawag nila sa telepono sa hatinggabi ng anibersaryo ng nabigong kudeta nitong Sabado.

Matapos i-dial ang mga numero, sa halip na dialtone, ay narinig ng mga user ang voice message ng pagbati ni Erdogan.

‘’As president, I send congratulations on the July 15 National Day of Democracy and Unity and wish the martyrs mercy and the heroes (of the defeat of the coup) health and wellbeing,’’ saad sa mensahe na binasa ni Erdogan.

‘’People who wanted to chat on the telephone got an Erdogan surprise,’’ iniulat ng pahayagang Hurriyet.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Minarkahan ng Turkey ang anibersaryo ng nabigong kudeta ng militar na ikinamatay ng 250 katao noong Hulyo 15, 2016. Nakiisa si Erdogan sa rally ng taong may bitbit na mga bandila malapit sa July 15 Martyrs’ Bridge sa Istanbul.