Poland's Lukasz Kubot, left, and Brazil's Marcelo Melo  (AP Photo/Kirsty Wigglesworth)
Poland's Lukasz Kubot, left, and Brazil's Marcelo Melo (AP Photo/Kirsty Wigglesworth)

LONDON — Mula sa pinakamaisking laban, sumunod ang pinakamabahang oras sa doubles finals sa kasaysayan ng Wimbledon. Umabot sa apat na oras at 40 minuto ang men's final sa Centre Court na pinagwagihan nina Lukasz Kubot at Marcelo Melo kontra Oliver Marach at Mate Pavic, 5-7, 7-5, 7-6 (2), 3-6, 13-11.

Nauna rito, wala pang isang oras ang panalo nina Ekaterina Makarova at Elena Vesnina, 6-0, 6-0, kontra Chan Hao-ching at Monica Niculescu sa women’s championship.

Kinailangang gumamit ng ilaw sa huling 20 minuto ng laban bunsod nang pagkagat ng dilim.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"When we stopped, we know we have to be strong at this moment," sambit ni Melo. “I played the final here before. I know I have to manage this if you want to succeed and be a Grand Slam champion."

Bunsod ng panalo, nakabalik si Melo bilang No. 1 ranking sa men's doubles.

Ikalawang Grand Slam title ito sa career ng doubles event nina Melo at Kubot. Nakuha ni Melo ang 2015 French Open title kasama si Ivan Dodig. Namayanio naman si Kubot sa 2014 Australian Open kasangga si Robert Lindstedt.

Ang pinakamahabang men's doubles final sa kasaysayan ng Wimbledon ay naitala noong 1992 nang gapiin ng tambalan nina John McEnroe at Michael Stich ang karibal na sina Jim Grabb at Richey Reneberg 5-7, 7-6 (5), 3-6, 7-6 (5), 19-17. Umabot ang laro sa limang oeas at isang segundo.