Ni: Mary Ann Santiago

Nakumpleto na kahapon ng Department of Health (DOH) – MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), katuwang ang Rizal Medical Center (RMC), ang isinagawa nilang post-surgical activity evaluation at assessment sa 91 pasyente, na sumailalim sa operasyon sa Dr. Damian Reyes Provincial Hospital sa Marinduque mula Hulyo 10-15, ng kasalukuyang taon.

“This surgical caravan is greatly anticipated aspiration for 20 million Filipinos who are in need of various kinds of surgeries in country. Their medical needs can now be addressed immediately at no cost to our indigent patients,” ani Regional Director Eduardo C. Janairo, sa ginawang paglulunsad ng DOH Surgical Caravan na may temang “ToDOH Alaga, May TSekAP Na, May Operasyon Pa!” noong Hulyo 13 sa Dr. Damian Reyes Provincial Hospital sa Boac, Marinduque.

Ayon kay Janairo, ang mga naturang pasyente ay natukoy sa idinaos nilang 'Tamang Serbisyo para sa Kalusugan ng Pamilya' (TSEKAP) assessment and evaluation noong Setyembre, na isinagawa sa iba't ibang munisipalidad sa rehiyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid na 12 major surgeries ang isinagawa sa Marinduque; kabilang ang limang thyroidectomy, anim na hernia at isang hydrocoelectomy.

Mayroon rin namang 31 minor surgeries kabilang ang pagtatanggal ng cyst, lipoma, breast mass at skin tag; 42 referral/transfer cases gaya ng giant tumor, goiter, osteoma, hypospadias, fistula in ano, nasal polyps at colon mass; tatlong emergencies at tatlong in-patient’s referrals.

Sinabi ni Janairo na naglaan ang pamahalaan ng P3 bilyong pondo sa ilalim ng 2017 General Appropriations Act para sa naturang surgical caravan, na iikot sa buong bansa.

Ang mga bibisitang pagamutan ay magbibigay rin ng medical support at assistance sa ibang lalawigan kabilang ang Quirino Memorial Medical Center (QMMC) na magsisilbi sa Oriental at Occidental Mindoro; Culion Sanitarium and General Hospital at Ospital ng Palawan sa Palawan; at Rizal Medical Center sa Romblon.

Nabatid na ang mga surgical procedures sa mga naturang lalawigan ay isasagawa sa Occidental Mindoro Provincial Hospital sa Occidental Mindoro; Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Oriental Mindoro; Romblon Provincial Hospital sa Romblon; at Culion Sanitarium and General Hospital at Ospital ng Palawan sa Palawan.

Ang gastusin ng mga pasyente ay sasagutin ng Philhealth at ng DOH Medical Assistance Program kabilang ang laboratory at diagnostic procedures, drugs, medicines, supplies, at professional fees, bago at matapos ang operasyon.

“This is one of the guarantees of the Duterte Administration under the Philippine Health Agenda Program to deliver free medical interventions and ensure the public of easy access to high quality services,” ani Janairo.