Ni: Yahoo Celebrity

SINABIHAN ng masasakit na salita ni Madonna ang mga dating kaibigan.

Lumitaw ang isang handwritten letter noong early 90s at ito ay isusubasta sa online auction site na Gotta have Rock and Roll. Ang liham ay iniulat na sulat ni Madonna para sa noon ay kasintahang si John Enos. Nakasaad sa sulat ang pagpuntirya ng legendary singer sa talent nina Sharon Stone at Whitney Houston.

Madonna at Sharon copy copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ito ang laman ng sulat:

“It’s so unequivocally frustrating to read that Whitney Houston has the music career I wish I had and Sharon Stone has the film career I’ll never have. Not because I want to be these women because I’d rather die, but they’re so horribly mediocre.”

Sa pagpapatuloy ni Madonna sa sulat, sinabi niyang ibinuhos niya ang lahat ng kanyang ginagawa at “it’s only brought (her) heartache and pain.”

Matalik na magkaibigan ngayon sina Stone at Madonna, at sa Facebook sumagot ang una sa matalim na kritisismo ni Madonna ngunit nakisimpatya siya sa halip na palakihin pa ang isyu.

Ani Stone sa post, “Know that I am your friend. I have wished to be a rock star in some private moments… have felt as mediocre as you described.”

Pero idinagdag niya na, “Owning our own mediocrity is the only way to own our own strengths.”

“I love and adore you; won’t be pitted against you by any invasion of our personal journeys,” pagtatapos ni Sharon Stone.