Bali Pure's Gretchel Soltones attacks against Air Force's (from left) May Ann Pantino, Jocemer Tapic and Iari Yongco  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Bali Pure's Gretchel Soltones attacks against Air Force's (from left) May Ann Pantino, Jocemer Tapic and Iari Yongco (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

GINIBA ng Philippine Air Force ang Cafe Lupe, habang napanatili ng Mega Builders ang malinis na karta nang gapiin ang Institito Estetico Manila sa men's division ng Premier Volleyball League (PVL) nitong Sabado sa The Arena sa San Juan.

Matapos mabigo sa dikitang laban sa unang set, rumatsada ang Jet Spikers tungo sa 24-26, 25-18, 25-15, 25-20,panalo kontra Sunrisers para sa 3-1 karta.

Kumubra si Edwin Tolentino ng 17 puntos sa Air Force tampok ang 14 attacks at tatlong blocks, habang ginamit na bentahe ng Jet Spikers ang 38 unforced error ng Sunrisers.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"Noong simula, medyo nagkulang talaga sa focus pero nung second, third at fourth set nakarecover kami," sambit ni Air Force coach Dante Alinsunurin.

"Ang sabi ko lang 'wag nilang bigyan ng kumpiyansa 'yung mga bata (Cafe Lupe) kasi kapag nabigyan sila ng kumpiyansa gagalaw at gagalaw 'yan kahit anong mangyari. Lagi kong pinaulit-ulit sa kanila na iwas tayong magkamali, dapat wala tayong unforced errors. Pilitin nating sila lang ang gagawa ng score, hindi tayo ang magbibigay sa kanila ng score," aniya.

Ginapi naman ng Mega Builders ang IEM sa straight sets, 25-14, 25-20, 25-19, para manguna sa team standings tangan ang 4-0 marka.

Humirit si team captain Francis Saura sa Mega Builders sa naiskor na 14 puntps, habang tumipa sina Bryan Bagunas at Fauzi Ismail ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sunod na makakaharap ng Air Force ang IEM, habang magtutuos ang Mega Builders at Cignal sa Hulyo 19.