INDIANAPOLIS (AP) – Isang babae sa Indiana na hindi itinuloy ang kanyang $30,000 wedding ang nagdaos ng handaan nitong Sabado para sa mga palaboy sa marangyang event center na kinuha niya para sa reception.

Sinabi ni Sarah Cummins sa Indianapolis Star na umurong siya sa kasal isang linggo na ang nakalipas, ngunit tumangging sabihin ang dahilan.

Dahil hindi na niya mabawi ang kontrata sa Ritz Charles sa Carmel at ang plated dinner para sa 170 bisita, nagpasya ang 25-anyos na pharmacy student sa Purdue University, na imbes na itapon ang pagkain ay gawin na lamang na makabuluhan ang okasyon, at nakipag-ugnayan sa homeless shelters sa lugar.

Nitong Sabado, isang bus sakay ang halos isandosenang matatandang palaboy ang dumating at nakisaya sa party. Sinalubong sila ni Cummins na nakasuot ng sleeveless top at pastel pants sa halip na wedding dress.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“For me, it was an opportunity to let these people know they deserved to be at a place like this just as much as everyone else does,’’ ani Cummins.