ni Beth Camia

May tatlo pang aktibong shabu laboratory sa Luzon.

Ito ang ibinunyag ni newly-installed Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago.

Ayon sa kanyang impormante, apat ang shabu laboratory at isa sa mga ito ang kasasara lamang.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi ni Santiago na ang isinarang shabu laboratory ay matatagpuan sa Magalang, Pampanga na una nang sinalakay ng awtoridad noong Setyembre 2016.

Gayunman, hindi tinukoy ni Santiago kung saan matatagpuan ang tatlo pang aktibong shabu laboratory dahil trabaho na umanong alamin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Kaugnay nito, hangad ni Santiago na magsagawa ng bagong survey upang madetermina ang pinakabagong bilang ng drug dependents sa Pilipinas.