ni Leonel M. Abasola

Para kay Senator Richard Gordon, malabnaw ang isinampang kaso laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng Mamasapano massacre noong 2015, na ikinamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF).

Ayon kay Gordon, mahina ang kasong usurpation of authority na inihain ng Office of the Ombudsman laban kay Aquino.

Kung siya ang masusunod, dapat ay multiple homicide through reckless imprudence ang kaso, aniya.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Duda ang senador na sinadyang pinahina ang kaso para magkaroon ng teknikalidad.

Pabor si Gordon na buksang muli ng Senado ang imbestigasyon sa Mamasapano case, at kung kinakailangan ay ipapatawag nila ang dating pangulo.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na desisyon ng pinuno ng komite kung muling bubuksan ang imbestigasyon, ngunit kung siya ang tatanungin ay hindi na.

“Ano pa ba ang ating gagawin para buksan natin uli? For what, in aid of legislation? Siguro naman sapat na ang nailabas sa dalawang pagdinig ng nakaraang Kongreso. Tutol po ako riyan at tingin ko ay hindi po kailangan,” ani Drilon.