INIHAHANDOG ng Flying High Entertainment Productions at ng Greenlight Productions and Red Post Productions ang Jose Bartolome: Guro, isang advocacy film tungkol sa kahalagahan ng edukasyon.

Ayon sa independent filmmaker na si Ronald M. Rafer, si Karl Medina ang first and only choice niya upang gumanap sa lead role ng pelikula na siya rin ang sumulat ng screenplay.

Karl Medina
Karl Medina
“First and only choice ko si Karl Medina para gumanap na Jose Bartolome, dahil naniniwala kaming isa siyang mahusay na aktor.

“Wala na akong maisip na ibang actor para gampanan ang character. Karl is perfect!

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Very cooperative siya at very professional. He comes on time sa set, prepared, ready to work. Very friendly at warm rin siya sa lahat ng cast and crew.  He also gives inputs whenever there is more to give in a scene,” lahad ni Direk Ronald.

Bago pa man niya sinulat, advocacy film na talaga ang Jose Bartolome: Guro.

“Nagsimula ang lahat nang sinabi ko sa dati ko nang executive producer sa iba kong pelikula, si Joshua Macapagal, na  it’s about time na gumawa na kami ng educational or advocacy film.

“Noong nag-yes siya, agad kong sinulat ang script, at nu’ng presented na sa kanya, nagustuhan naman niya agad ang story which is about a dedicated teacher who values education,” kuwento ni Direk Ronald.

Agad nang nagkaroon ng pre-production meetings, binuo ang production team at nag-location hunting, binuo ang casting at auditions, hanggang sa matapos ang shooting.

“Natutuwa ako at kahit na nasa Amerika ang producer namin, very supportive siya at hindi siya nagtipid sa budget, ‘binigay niya kung ano ang requirements ng production,” dagdag niya.

Kasama rin sa cast ang Artista Academy runner-up na si Akihiro Blanco, ang magandang newcomer na si Jane de Leon at si Domz Palomar, ang child actor na si Micko Laurente, Arpee Bautista, Grace Valencia,at ang character actor na si Jess Evardone.

Ginanap ang red carpet premiere nila nitong nakaraang Biyernes sa SM Megamall Cinema 10, na pawang positibo ang reaksiyon ng mga nakapanood at marami ang napaluha maging ang mismong cast and crew, entertainment media, at iba pang special guests.

Dahil advocacy film on education ang Jose Bartolome: Guro, may inquiries na agad sa produksiyon para sa film screenings sa iba’t ibang eskuwelahan sa Metro Manila at mga probinsiya.

Rated-“G” (General Patronage) ng MTRCB ang pelikula kaya maaari itong panoorin ng lahat, kasama na ang mga bata.