ni Mary Ann Santiago

Upang mapaigting ang road clearing operations at mapahusay ang engineering services at emergency response ng Manila city government, bumili si Mayor Joseph Estrada ng mga bagong truck at gamit sa halagang P80 milyon.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 12-taon, nakatanggap ang Department of Engineering and Public Services (DEPW) ng top-of-the-line na mga kagamitan.

“To better serve the public, our city engineers should be fully equipped with new, state-of-the art equipment, not those dilapidated trucks and old tools that have been acquired a long time ago, way back in the ‘80’s,” sabi ni Estrada.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kabilang sa mga bagong kagamitan ay steamrollers, self-loading trucks, heavy duty dump trucks, bulldozers, backhoe, boom trucks, jackhammers, at breakers.

Laking pasalamat naman ni DEPW chief Engr. Rogelio Legazpi sa mga bagong kagamitan na malaki aniyang tulong sa kanila upang magampanan nila ng maayos ang kanilang tungkulin.

“This is the first time in 12 years that DEPW was given a new set of equipment. It is only during Mayor Erap’s time that our engineering unit is continuously improving,” aniya. “This is a big help. With more trucks and equipment, we will able to do more work and services for the Manileños.”

Kabilang sa mga maaaring paggamitan ng mga bagong biling equipment ay road clearing operations, search and rescue at retrieval operations sa mga panahon ng disaster at kalamidad tulad ng lindol at malalakas na bagyo.

Makatutulong rin aniya ito sa relief operations sa oras ng kalamidad.