Ekaterina Makarova  (AP Photo/Alastair Grant)
Ekaterina Makarova (AP Photo/Alastair Grant)

LONDON — Nakopo nina Ekaterina Makarova at Elena Vesnina ang women's doubles title sa Wimbledon nang gapiin ang tambalan nina Chan Hao-ching at Monica Niculescu, 6-0, 6-0, sa Centre Court ng All-England Clun nitong Sabado (Linggo a Manila).

Umabot lamang sa 55 minuto ang duwelo.

"We were sitting and waiting. We knew that it's going to be five sets. We knew it was going to be drama at the end. We knew it was going to be something," pahayag ni Vesnina.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

"Martina Navratilova told us, 'Do you know you girls have to finish till 11? After the first set, I looked at the clock. OK, we're still fine."

Ito ang ikatlong Grand Slam title nang tambalan nina Makarova at Vesnina. Nagwagi rin sila sa French Open (2013) at US Open (2014). Tinanghal din silang kampeon sa Rio Olympics sa nakalipas na taon.

Ang resulta ay kauna-unahang "double bagel" sa women's doubles final sa Wimbledon mula nang maitala nona Shirley Fry at Doris Hart ang panalo, 6-0,6-0 kontra Maureen Connolly at Julia Sampson, 6-0, 6-0, noong 1953.