ni Jun Fabon

Umapela kay Environment Secretary Roy A. Cimatu ang Clean Air Philippines Movement, Incorporated (CAPMI), na dapat aksiyunan agad ang matagal nang inirereklamong halos isang bilyong pisong anomalya sa pagbili ng DENR-Environmental Management Bureau (EMB) ng mga depektibong makina sa pag-monitor ng air quality sa buong bansa.

Sumulat si CAPMI spokesman Manuel Galvez kay Cimatu upang paalalahanan na ang pinakabagong resulta ng DENR fact-finding probe hinggil sa DENR air quality monitors ay nagpapatunay na ang mga sinasabing makina ay “defective, non-calibrated” at ang iba ay “non-functioning” na.

Una rito, ang Airboard, kasama ang United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), ay nagsampa ng kasong kurapsiyon sa Ombudsman at pinakaunang grupo na tumutol sa nominasyon kay dating DENR secretary Gina Lopez.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ayon kay UFCC President Rodolfo Javellana, patuloy ang kanilang trabaho para sa kapaligiran.

“In the light of the current status of most air quality monitors of DENR-EMB, my question for DENR secretary Cimatu is how can we clean the air if we cannot even measure the pollution in the air accurately?” pagtatapos ni Galvez.