NI: Beth Camia

Matapos punahin ng Commission on Audit (CoA), ipinaliwanag ng Malacañang ang ilang milyong unliquidated cash advances ng ilang opisyal at empleyado ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), partikular ng Office of the Presidential spokesperson.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naisumite na ng kanyang tanggapan ang lahat ng liquidation documents sa PCOO Accounting at pinatutunayan ito ni Undersecretary Noel Puyat na siyang administrative officer.

Ayon kay Abella, patuloy ang pagpoproseso ng Accounting Office sa lahat ng PCOO liquidation bago isumite sa CoA.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“The Office of the Presidential Spokesperson submitted all liquidation documents to PCOO Accounting on time, as attested by Undersecretary Noel Puyat, administrative officer. We understand Accounting is still processing all PCOO liquidation for submission to the Commission on Audit (COA). As for the other officials and employees mentioned, PCOO is attending to these matters,” ani Abella.

Base sa CoA report, nagamit ang mga nasabing unliquidated cash advances sa mga biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasaad sa report na kabilang dito ang tanggapan ni Abella na may P630,244.18 cash advance, para sa Brunei state visit; P622,404.67, para sa ASEAN Summit sa Laos; at P673,307.60, sa Indonesia trip.

Tinukoy din ng CoA ang unliquidated cash advances nina Assistant Secretary for Policy and Legislative Affairs Michael Kristian Ablan na umabot sa P228,700, para sa National Communications Workshop; Ma. Teresa Hernandez, para sa US visit ni Abella; at dating Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay, na P191,440; gayundin ang Misamis Oriental visit ni Pangulong Duterte na nagkakahalaga ng P35,500.