Ni: Leandro Alborote
CONCEPCION, Tarlac - Dahil sa tuluy-tuloy na operasyon ng pulisya kontra, isang umano’y matinik na drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Sta. Maria, Concepcion, Tarlac, nitong Hulyo 12.
Kinilala ni PO2 Manuel Aguilar, Jr. ang naaresto na si Manuel Mercado, 50, may asawa, ng Bgy. Sta. Maria, Concepcion, Tarlac.
Nakuha umano mula kay Mercado ang isang transparent plastic sachet na may hindi pa matiyak na gramo ng shabu kapalit ng P500 marked money.