Ni: Marivic Awitan

SA kanyang pagbabalik sa NCAA, higit na mas mataas ang ekspektasyon ng marami kay CJ Perez na isa rin sa mga dahilan kung bakit maraming pumili sa kanyang bagong koponang Lyceum of the Philippines bilang isa sa mga title contenders ngayong Season 93 ng NCAA men's basketball tournament.

At sa kanilang unang dalawang laro, hindi binigo ng 23-anyos na Pangasinense ang mga supporters ng Pirates matapos nitong pangunahan ang koponan sa dalawang malalaking tagumpay kabilang na ang 96-91 upset win kontra defending champion San Beda nitong Biyernes sa Fil -Oil Flying V Center sa San Juan kung saan umiskor sya ng 24 puntos,4 rebounds at tig-isang assist, steal at block.

Kasunod ito ng 96-75 na pagdurog nila sa Jose Rizal University sa una nilang laro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa nasabing unang dalawang laban, nagtala si Perez ng average na 23 puntos, pitong rebounds, 2.5 assists, 1.5 steals at limang block na naging susi upang mapili sya bilang unang NCAA Player of the Week ngayong season.

Dahil dito labis ang kasiyahan ni Pirates coach Topex Robinson sa ipinakikitang laro ni Perez lalo na sa kanyang papel bilang Pirates scorer.

“He is going to win games for us and he is going to lose games for us but CJ always knows that his teammates will win it for us,” pahayag ni Robinson.

Para naman kay Perez, hindi lamang siya kundi ang buong team ang nagdadala sa kanila sa panalo. "Yung buong team manager ang nagdadala sa amin ,mas lalo na sa depensa. "

"Kung magiging consistent kami, malayo ang mararating namin,” pahayag ni Perez matapos magposte ng 22 puntos, 10 rebounds, 4 assists at 2.steals sa kanilang unang 96-75 na panalo kontra JRU.

Tinalo ni Perez para sa nasabing parangal sina Hamadou Laminou ng Emilio Aguinaldo College, Teytey Teodoro ng Jose Rizal University, Michael Calisaan ng San Sebastian College at Andoy Estrella ng Mapua.