Ni: Mina Navarro
Inihayag ng Department of Labor and Employment (DoLE) na ang tulong pinansiyal sa mga overseas Filipino worker (OFW) ay bahagi ng “pinahusay” na livelihood program para sa mga gustong umuwi at manatili na lang sa bansa at magbukas ng sariling negosyo.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), mula sa non-cash support na libreng entrepreneurial training at pagkakaloob ng starter kit sa negosyo ng OFW, kabilang din sa package ng ayuda ang P20,000 cash at entrepreneurship development training.