Ni: Mary Ann Santiago

Pinakakasuhan na ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang mga motoristang mahuhuling nanunuhol o nagtatangkang manuhol sa traffic enforcer ng siyudad.

Ito ang direktiba ni Estrada matapos niyang mapanood ang ilang video mula sa mga body camera ng mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MPTBP), na lantarang tinatangkang suhulan ng pera ng ilang motorista ang ilang traffic enforcers ng Maynila.

“Sa mga napanood ko, kitang-kitang mismong mga motorista pa ang nagtatangkang ‘ayusin’ na lang ang kanilang traffic violations. Sanay na sanay, eh,” ani Estrada. “But next time, once we catch them doing that, we will arrest them and charge them in court.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Maaari aniyang kasuhan ang mga motorista ng corruption of public officials, alinsunod sa Article 212 ng Revised Penal Code, at may katapat na parusang anim na buwan hanggang anim na taong pagkakakulong.