Ni: Ellalyn De Vera-Ruiz
Lima pang pampublikong ospital sa Metro Manila ang magkakaloob ng libreng gamot sa mahihirap simula sa Agosto 1, 2017.
Lumagda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng memorandum of agreement sa limang ospital para sa pagpapatupad ng Libreng Gamot Para sa Masa Program (Lingap), na naglalaan ng P1-bilyon pondo para magbigay ng libreng gamot sa mahihirap.
Simula sa Agosto 1, libre na ang gamot ng mahihirap sa Jose Reyes Memorial Hospital, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, Philippine Children’s Hospital, at San Lazaro Hospital.
Sa kabuuan, 11 pagamutan na sa bansa ang nagbibigay ng libreng gamot.