Ni: Liezle Basa Iñigo

Isang lalaki na kinasuhan ng double murder sa pagkamatay ng isang magkapatid sa Barangay Sungadan, Paoay, Ilocos Norte, ang napawalang-sala makaraang i-dismiss ang kaso.

Sa nakalap na impormasyon ng Balita, isa umano si Jerry Castro sa isinasangkot sa pagpatay ng riding-in-tandem sa magkapatid na Abraham Ralleta at Loida Ralleta, kapwa taga-Sitio Saranay, Bgy. Sungadan, Paoay, noong Marso 15, 2017.

Batay sa resolusyon na inilabas ni Associate Provincial Prosecutor Sherwin E. Domingo, ibinasura ang double murder laban kay Castro dahil sa “insufficiency of evidence”.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar