Ni: Reggee Bonoan
NANGGULAT na naman si Sylvia Sanchez. Kasusulat lang namin na abala siya sa kanyang #OperationTaba program, heto at biglang napanood na sa La Luna Sangre nitong Biyernes bilang Dory na asawa ni Berto (Dennis Padilla).
Panay pa mandin ang tanong namin kung ano na ang next serye niya na ang laging sagot sa amin ay, “Meron, hindi ko pa alam kung ano’. ‘Yun pala, nasa La Luna Sangre na.
Kaya pala nagbilin pa bago umere ang FPJ’s Ang Probinsyano, na, “Panoorin mo lahat ng shows ngayong gabi’ na sinagot namin ng, ‘Bakit naman, anong meron?’ Kasi nasa labas kami ng bahay.
Magtitinda ng mais ang karakter ni Dory na hindi nabibiyayaan ng anak ng asawang si Berto kaya ang mga anak-anakan nilang sina Kuto, Lisa at isa pang bagets ay pinatira nila sa bahay nila para may katulong na rin sila sa kanilang negosyo.
Napadpad sa bahay nila si Malia (Kathryn Bernardo) na naging si Miyo dahil nagpakilalang lalaki para hindi mahanap ni Supremo (Richard Gutierrez) kasama ng mga alagang bampira.
Ayaw pumayag noong una ni Dory dahil nga hirap na hirap na sila sa buhay pero dahil sa awa nang makitang natulog sa labas ng bahay nila si Miyo ay pinatuloy na rin niya ito.
Suwerte si Miyo kina Dory at Berto dahil naubos ang paninda nitong mais (lumaki sa maisan si Malia) nu’ng binigyan niya ang nagpapanggap na bagong itinakda.
Adoptive mother ni Malia/Miyo si Dory at baka malaman niya ang sekreto ng dalaga este ng binata.
Hayun, ang ingay-ingay ng Sylvianians sa social media nitong Biyernes. Kaliwa’t kanan ang post nila na balik-telebisyon na ang idolo nila.
Siya na po si Aling Dory Sylvianians, hindi na si Mamang Gloria ha-ha-ha, hindi pa rin maka-move on sa The Greatest Love?