Ni: Light A. Nolasco

SAN LEONARDO, Nueva Ecija - Labintatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang drug personality makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Sitio Balanga sa Barangay Tambo Adorable sa San Leonardo, Nueva Ecija, nitong Huwebes.

Sa ulat ni Chief Insp. Rannie Casilia sa tanggapan si Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang pinaslang na si Walter Cunanan Montalaba, 42, umano’y drug suspect, ng Sitio Balanga, Bgy. Tambo Adorable.

Nabatid na dakong 11:45 ng umaga at naglalakad pauwi si Montalaba nang dikitan ng suspek na sakay sa Yamaha Mio motorcycle at pinagbabaril.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?