Ni NORA CALDERON
MAY sightings daw kay Dingdong Dantes habang nagdya-jogging somewhere in Naga City sa Bicol, kaya may nagtanong sa amin kung bakit nandoon ang mahusay na action/drama actor.
Hindi kaya may koneksiyon ang jogging niya sa nalalapit na pagsisimula ng book two ng action serye niyang Alyas Robin Hood na matagal nang hinihintay ng televiewers na sumubaybay sa kanila at nagtapos na nagpakilala na kung sino si Alyas Robin Hood, pero bitin ang ending na bigla namang nawala ang nanay ni Pepe played by Jaclyn Jose.
Tiyak namang hindi magkakaproblema ang mag-asawang Dingdong at Marian Rivera kapag nagsimula nang mag-taping ang Alyas Robin Hood at habang nagti-taping na rin si Marian ng The Good Teacher. Ayon kay Marian, nag-usap na sila ni Dingdong tungkol sa hindi maiiwasang sabay na pagtatrabaho nila ngayon.
“Pinag-usapan na namin ni Dong na siya ang mag-aalaga kay Baby Zia kapag nagti-taping ako,” say ni Marian. “Hindi kasi ako mapapalagay na nagtatrabaho kung alam kong wala si Dong na nag-aalaga sa kanya. Kaya kapag siya naman ang nagti-taping, ako ang bahala sa baby namin.
“Hindi naman problema kay Dong, dahil ngayon pa lamang ay lagi na siyang nag-aalaga kay Zia, dahil nagtatrabaho na nga ako. Hayun, kung anu-ano na ang itinuturo sa anak namin. Si Zia pa naman, parang nakukuha niya ang mga hilig ng daddy niya, enjoy siyang sumakay sa motorbike na pambata, madalas din silang nagsu-swimming ni Dong at tinuturuan na siyang lumangoy.”
May teaser na kaming nakita sa Instagram ng @gmanetwork para sa Alyas Robin Hood 2 na may caption na: “Ang pinakasuwabe at pinakaastig na tagapagtanggol, nagbabalik #PepeReturns.” Part one pa lamang ang teaser of five parts kaya may aabangan pa tayong four parts ng teaser once na nagsimula na ang taping nila na si Dominic Zapata pa rin ang director.