Ni: Nitz Miralles

WITH or without make-up, maganda talaga si Bianca Umali, kaya parami nang parami ang mga nagkaka-crush. May vocal sa pag-aming crush nila ang aktres at ang iba, idinadaan sa social media ang pagpapahayag ng paghanga.

Nakikita namin sa Instagram (IG) ni Bianca ang mga pangalan ng mga aktor at celebrities na nagla-like sa kanyang posts at may nagko-comment pa nga at sinasabing maganda siya, sexy, dalaga na at kung anu-ano pang positive comments.

BIANCA copy

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis

“Salamat sa kanila na mga nag-a-admire sa akin. Iyong iba hindi ko mga kilala at nagugulat na lang ako ‘pag nababasa ko ang comments nila. Nakakatuwa naman at siguro, nakikipagkaibigan lang sila sa akin,” pahayag ng 17-year-old Kapuso actress.

Napansin namin na ang ibang nagla-like sa posts ni Bianca ay identified sa ibang network, meron namang alam na may girlfriend. Hindi ba siya natatakot na awayin ng girlfriends ng nagkaka-crush sa kanya?

“Hindi naman ako natatakot dahil wala akong ginagawang kasalanan. Hindi ko naman sinasagot ang comments nila. Saka nagko-comment lang naman sila,” sagot ni Bianca.

Nasa taping kami ng Mulawin vs Ravena nang makausap si Bianca at katabi niya ang ka-love team na si Miguel Tanfelix.

Naaliw kami dahil si Miguel ang nagbanggit ng pangalan ni James Teng, ang Kapuso talent na umaming crush si Bianca at maghihintay daw siya kahit may iba itong mahal (si Miguel nga). Nakakatuwa na kunwari nagselos si Miguel.

Anyway, pinaaabangan nina Bianca at Miguel ang mga susunod na mangyayari sa Mulawin vs Ravena. Mas intense ang mga susunod na eksena at episode dahil sapilitang kukunin ni Pagaspas (Miguel) si Lawiswis (Bianca) kay Siklab (Dion Ignacio) at sa mga Ravena.

“Nabanggit ko nang big fan ako ng Mulawin noon, kaya malaking bagay sa akin na mapasama sa cast ng Mulawin vs Ravena. Big achievement ito sa akin at sa career ko, pini-feel ko ang bawat taping days namin at ini-enjoy ko.

Mahirap ang location ‘pag nasa labas kami lalo kung umuulan dahil maputik. Pero wala akong reklamo dahil dream ko ito at masaya akong nagtatrabaho at masaya akong kasama ang cast sa taping,” sabi ni Bianca.