Ni: Beth Camia

Inamin ng Malacañang ang pagkakamali kaugnay ng baligtad na pagkakalagay ng Presidential seal sa 11th Ambassadors’ Tour Philippine Reception na dinaluhan ni Pangulong Duterte sa Davao City, nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang intensiyong ipahiya ang Presidente sa nangyari, dahil batay sa pagsisiyasat, nagkamali lang ang naglagay sa seal, at humingi na ng paumanhin ang responsable.

Events

It's Showtime nagbigay-pugay kina Pilita Corrales at Nora Aunor