Ni: Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Naging matagumpay ang pagtugis sa isang matagal nang wanted sa kasong rape makaraan itong maaresto ng mga operatiba ng intelligence at warrant units at Drug Enforcement Unit (DEU) sa manhunt operation ng San Jose City Police at Nampicuan Police sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City, nitong Martes ng umaga.

Pinangunahan nina Insp. Genaro Divina at Insp. Roilan Gonzales ang pagdakip kay Genaro Mendoza y Rapada, 71, taga-Barangay Sto. Niño 3rd sa San Jose City para sa kasong rape na may kaugnayan sa Anti-Child Abuse Law sa warrant na may petsang Hulyo 14, 2016, at walang inirekomendang piyansa.

Nasa kustodiya na ng San Jose City Police si Mendoza.

Probinsya

DepEd Antique, nagsalita tungkol sa principal na 'tumalak' sa graduation rites