Ni: Leandro Alborote
SAN JOSE, Tarlac – Sugatang dinala sa Tarlac Provincial Hospital ang driver at apat na pasahero ng isang tricycle makaraang bumaligtad sa Sitio Padlana, Barangay Lubigan Road sa bayan ng San Jose, nitong Huwebes ng hapon.
Sugatan sina Erick Gavina, 38, driver ng tricycle (IT-4030); Mael Gomez; Maricel Sabate; Maika David; at Marie Sabate, pawang nasa hustong gulang, at taga-Angeles City, Pampanga.
Sa imbestigasyon ni PO2 Wilfredo Lanuza, Jr., nabatid na nangyari ang insidente dakong 5:00 ng hapon.
Patungo ang tricycle sa matarik na lugar sa Lubigan Road nang biglang mawala sa kontrol hanggang bumaligtad sa kalsada.