Ni Nora Calderon

MASAYANG-MASAYA si Marian Rivera nang muli siyang ipatawag ng GMA News & Public Affairs, producer ng OFW drama anthology na Tadhana para muling pumirma ng contract niya as host sa second season na ng soap. Nag-post si Marian ng pasasalamat sa kanyang Instagram account:

MARIAN, RAMS AT GMA NEWS & PUBLIC AFFAIRS EXECS_11 copy

“Maraming salamat mga Kapuso for making #Tadhana season 1 a success. Sa ating mga kababayang OFWS saludo po kami sa inyong pagsisikap para maitaguyod ang inyong mga mahal sa buhay. #TadhanaSeason2.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Thankful kami na patuloy na sinusubaybayan ng mga televiewers ang aming episodes tuwing Saturday, pagkatapos ng Ika-6 Na Utos,” say ni Marian. “At natuwa nga ako nang sabihin sa akin ni Ateng Rams (David, her manager) na may season 2 na kami. Hindi po dagdag na trabaho sa akin ito, dahil kahit ako nai-inspire tuwing mababasa ko ang script na iti-tape namin. Nalulungkot ako kapag hindi naging successful ang pagpunta ng mga kababayan natin abroad, pero alam kong nakakatulong iyon sa ibang OFWs natin para mag-ingat din sila sa pag-a-apply nila ng trabaho sa ibang bansa. Pero siyempre, masaya kapag successful ang mga kababayan natin na nakakuha ng magandang trabaho doon at talagang natulungan nila ang kanilang mga pamilya rito.”

Tumanggap din ng mataas na rating sa AGB Nielsen ang Tadhana kaysa katapat nilang programa.

Sa ngayon, nagsimula nang mag-taping si Marian ng kanyang bagong teleserye after three years, sa GMA-7 pa rin, ang The Good Teacher, sa direksyon ni LA Madridejos. Naiiba naman ang concept nito kumpara sa mga dati na niyang nagawang project sa Siyete.