Ni NITZ MIRALLES

BY now, sinabi na siguro ni Kris Aquino kung saan siya pumunta nang umalis Thursday night sa sinabi niyang, “To personally see the 10 branches that are successfully operating to have an up close perspective if investing part of my retirement fund in their expansion is wise.”

KRIS copy

May naunang post si Kris na ang kanyang sabi, “Life took me in a new direction, I’m an entrepreneur/business owner and a venture capitalist. But an opportunity has arisen to take on a more active role in the overseas expansion of a snacking brand I have 100% faith in...”

Trending

MMDA, nakaka-relate na kay Rendon Labador?

May kasunod pa itong post na ang photo ay kuha sa kanya sa airplane na, “Super proud to have the chance to be part of the further growth of a Filipino brand.”

Hintayin na lang natin at tiyak na ia-announce rin kung anong klaseng business venture ang binabanggit ni Kris.

Nakakatuwa na sabay-sabay inaasikaso ni Kris ang business ventures niya at ang paglago ng kanyang Kris Cojuangco Aquino Productions.

Samantala, pinasalamatan ni Kris si Michela Cazzola sa pasalubong nito sa kanya. Galing sina Michela, James Yap at anak na si MJ sa Italy at sa kanilang pagbabalik, may pasalubong ang una kay Kris. Sabi sa nakasulat sa kasamang card ng pasalubong, “A little something from my hometown.”

Marami ang natutuwa na magkaibigan sina Kris at Michela at nakakadalaw sina Bimby at Joshua sa bahay nina James at Michela.