NI: Genalyn D. Kabiling

Humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa mga residente ng Leyte na tinamaan ng lindol sa kanyang naantalang pagbisita, pero nangako ng agarang pagpapadala ng relief at rehabilitation assistance.

Binisita ng Pangulo ang Ormoc City nitong Huwebes upang tasahin ang pinsalang idinulot ng lindol at upang damayan ang mga pamilyang naapektuhan.

President Rodrigo Roa Duterte engages in a discussion with members of his Cabinet and local officials as he attends the situation briefing during his visit to the earthquake-ravaged Leyte at the Ormoc City Airport on July 13, 2017. ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO
President Rodrigo Roa Duterte engages in a discussion with members of his Cabinet and local officials as he attends the situation briefing during his visit to the earthquake-ravaged Leyte at the Ormoc City Airport on July 13, 2017. ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Our apologies for our physical absence,” sabi ni Duterte nang makipagpulong ang mga miyembro ng Gabinete sa mga lokal na opisyal sa Ormoc City, isang linggo pagkaraang yanigin ng malakas na lindol ang probinsiya.

“You know we are also having a serious problem in Mindanao and in the order of priority of things I think we had to focus first our attention on Marawi,” dagdag niya.

Pinipili ng Pangulo na magtagal ang pananatili sa Mindanao simula nang ideklara niya ang martial law upang sugpuin ang banta ng terorismo at rebelyon. Sinabi kamakailan ni Duterte, na bumisita sa ilang kampo ng militar upang palakasin ang moral ng mga sundalo, na umaasa siyang matatapos na ang sigalot sa Marawi sa loob ng 10 hanggang 15 araw.

Sa Ormoc, nakipagpulong ang Pangulo sa mga lokal na opisyal at nangakong pamamahalaan ang pagbabalik sa normalidad ng probinsiya sa lalong madaling panahon.

Dumalo si Ormoc City Mayor Richard Gomez at asawang Leyte Rep. Lucy Torres Gomez sa meeting ng Presidente at ng Gabinete.

“We are here to help to you,” sabi ng Pangulo sa wikang Bisaya sa naturang pagbisita. “The government has programs on providing relief assistance. We will implement this.”

Dalawa katao ang namatay at dose-dosenang iba pa ang nasugatan nang tumama ang 6.5 magnitude na lindol sa Leyte noong Hulyo 6. Umaabot sa 2,000 pamilya ang iniulat na nagsilikas dahil sa lindol.