Ni: Mary Ann Santiago

Nagbigti ang isang tindera matapos na umanong pagbawalang makipag-boyfriend sa Pasig City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Rosevin Abril, ng 154-B Donya Aurora, M.H. Del Pilar, Barangay Pinagbuhatan ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni Police Senior Insp. Robert Garcia, hepe ng Pasig City Police-Criminal Investigation Unit, nadiskubre ni Mark Anthony, kapatid ni Rosevin, ang bangkay ng biktima sa loob ng banyo sa kanilang bahay, bandang 10:30 ng umaga.

National

‘Paano malalaman totoo?’ Mister ni ex-DPWH Usec. Cabral, tumanggi isailalim sa autopsy ang bangkay ng yumaong asawa

Gagamit sana ng banyo si Mark Anthony nang bumulaga sa kanya ang bangkay ng nakabigting kapatid.

Ayon kay Garcia, lumitaw sa kanilang imbestigasyon na posibleng dinamdam ng biktima ang pagbabawal sa kanya na makipag-boyfriend.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.