Ni: Light A. Nolasco

PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Limang menor de edad ang na-rescue sa isang umano’y prostitution den habang tatlong katao, kabilang ang isang retiradong sundalo, ang naaresto ng pulisya sa entrapment operation, nitong Miyerkules ng gabi.

Naaresto ng raiding team ang mag-asawang Juan Oropilla, 50, retirado sa Philippine Army; at Margie Oropilla, 45, kapwa taga-Putok 11, Barangay Militar at may-ari ng JM Videoke Bar; at Jodelito Coloma, 28, stay-in waiter sa establisimyento, at tubong Ilocos Norte.

Ayon kay Senior Supt. Antonio C. Yarra, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nagpositibo ang entrapment at naaktuhan umano si Margie sa pagtanggap ng P2,400 kapalit ng pakikipagtalik ng kunwaring kustomer sa dalawang dalagitang waitress.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa kabuuan, limang dalagita ang na-rescue sa lugar.