Ni NITZ MIRALLES

NAGULAT si Eugene Domingo sa napabalitang aalisin daw ang Sunday series niyang Dear Uge dahil ibinalik na ang hono-host din niyang comedy/game show na Celebrity Bluff.

Wala raw sinabi sa kanya ang GMA-7 na aalisin na ang Dear Uge kaya ang alam niya ay tuluy-tuloy pa rin ang taping nila.

UGE copy copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Nagtaka nga ako kung saan galing ang balitang mawawala na ang Dear Uge. It’s not true at ang alam ko nga nilalakad na ang season seven namin. Sa August 11, pasok na kami sa season seven. Pero kung magdesisyon ang management na alisin na ang show, hindi natin makokontrol ang desisyon nila. Kapag tsinugi ang show, ‘di mag-move on. Ang importante, masaya kami sa set at napasaya namin ang audience. I just want my audience to be happy, masaya na ako roon,” wika ni Eugene.

Malaking bagay para kay Eugene na binigyan siya ng show na nakapangalan sa kanya ang title. Iilan nga lang naman ang show nakapangalan sa bida ang title.

“Malakas maka-Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Alma Moreno, Coney Reyes at iba pang artistang ang title ng show ay nakapangalan sa kanila. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa GMA-7 dahil doon at pasalamat din ako sa klase ng shows na ibinigay nila sa akin.”

Bakit successful ang Dear Uge?

“Because we are just serious in our objective to entertain our audience every weekend. Whole week pagod tayo sa trabaho at stress sa traffic, ‘pag Sabado at Linggo, hindi namin pinahihirapan ang audience. ‘Pag binuksan na ang TV at Celebrity Bluff o Dear Uge ang pinapanood, alam mong hahagalpak ka ng tawa.”

Samantala, lilipad si Eugene sa July 16 patungong Parma, Italy para makapiling ang kanyang boyfriend na si Danilo Bottoni na magsi-celebrate ang 46th birthday. Sa August 7 na ang balik niya.

“I feel so complete now. Nag-pray ako to God to make my heart happy at natupad ‘yun dahil ipinagdasal din ako ng ibang tao. Si late director Wenn Deramas, lagi niyang sinasabing ‘pinagpi-pray niya ako. May deadline na ako na if by 2013, wala pa akong mahanap, ayoko na, papasok na ako sa kumbento. After a few months, 2014, nakilala ko si Danilo,” kuwento ni Eugene.

Ayon pa kay Eugene, as an actress, tingin niya marami na siyang nagawa kaya bibigyan naman niya ng priority ang personal life niya. Kaya niyang manirahan sa piling ni Danilo sa Italy at babalik na lang ng Pilipinas kung may magandang project.