Ni BETH CAMIA

Bineberipika na ng pamahalaan ang pahayag ni Turkish Ambassador Esra Cankorur kaugnay sa diumano’y presensiya sa bansa ng mga teroristang nagmula sa Turkey, partikular ang Fetullah Gulen Movement.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na iimbestigahan ng gobyerno ang mga organisasyon na tumutulong o sumusuporta sa terorismo.

Tiniyak ni Abella na papanagutin ang mga ito, lalo na ang mga mapapatunayang pinagtatakpan ang mga terorista at sangkot sa mga gawaing kriminal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We will investigate organizations abetting or aiding terrorism and will hold them accountable, especially those that may be working as fronts for terrorist and criminal activities, as alleged by the Ambassador,” aniya.

Nakikipagtulungan na rin aniya ang gobyerno sa ibang mga bansa upang mapalakas ang paglaban sa terorismo.

Ayon kay Ambassador Cankorur, ang Fetullah Gulen Movement ay mayroong affiliates sa limampung bansa, kabilang na sa Pilipinas. Aktibo ang grupo at ginagamit ang mga paaralan sa Zamboanga at Maynila para pagtakpan ang kanilang maling gawain.