DENVER (AP) — Nagbalik si Paul Millsap sa kinalakihang komunidad sa saliw ng musika at nagbubunying kabataan. Ramdam niya ang mainit na pagsalubong nang mga kalugar bilang pagbubunyi sa kanyang pagiging Nugget player.

Pormal na ipinakilala ang four-time All-Star forward sa recreation center nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) matapos lumagda ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng US$90 milyon. Lumaki siya sa suburb ng Denver bago nagbalik sa Louisiana para mag-aral ng high school at college.

“My history had a lot to play into (signing with Denver), actually,” sambit ni Millsap. “It felt like it was unfinished business here, being here years ago and leaving under the circumstances we left. To help this community out, this organization out, that played a big factor.”

Nagbakasakali ang ina ni Millsap sa Denver para buhayin si Millsap at tatlong kapatid. At sa halagang US$12 pinagkakasya ng inang si Bettye ang gastusin at pagkain ng pamilya. Nagdesisyon siyang ibalik ang mga anak sa Louisiana noong 1999 para makapag-aral sa tulong ng mga kaanak.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“When I came to Denver in 1988, I was crying all the way in shame and had my head down,” pahayag ni Bettye Millsap.

“When I came back this time, I cried tears of joy and I could hold my head up.”

Kumpiyansa ang 32-anyos na si Millsap na makapagbibigay nang karanasan sa Nuggets line-up na pinangungunahan nang papasikat na si Nikola Jokic. Tangan ni Millsap ang averaged career-high 18.1 puntos, 7.7 rebound at 3.7 assist.

“I’m looking for (Jokic) to make my job a little easier. And vice versa. I want to make his job easier. I want to help the younger guys around me become better players,” aniya.